Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

EXCLUSIVE: Miguel Tanfelix on Sam Bumatay: "Makulit pa rin siya, [parang si] Aiza Seguerra pa rin"

By AL KENDRICK NOGUERA
Updated On: February 25, 2020, 07:42 PM

Matatandaang nakakabit ang pangalan ni Sam kay Aiza noon dahil marami silang pagkakatulad noong mga bata pa sila. 

Parehong sumali sa StarStruck Kids sa murang edad noong 2004, ngayon ay may kanya-kanya ng buhay ang mga gumanap noon sa Mulawin bilang Pagaspas at Lawiswis na sina Miguel Tanfelix at Sam Bumatay.

After 12 years, binata't dalaga na ang mga makukulit na chikiting noon sa Mulawin. Si Miguel, tinuloy ang kanyang pagiging artista samantalang si Sam ay piniling mag-focus sa kanyang pag-aaral.

IN PHOTOS: Sam Bumatay of 'StarStruck Kids' and 'Mulawin' is all grown up!

Sa isang exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinakilala ni Miguel ang 17-year-old na si Sam. "Makulit pa rin siya, [parang si] Aiza Seguerra pa rin," pahayag niya.

Matatandaang nakakabit ang pangalan ni Sam kay Aiza noon dahil marami silang pagkakatulad noong mga bata pa sila. 

Kuwento ni Miguel, nagkaroon daw sila ng chance na magkita ni Sam noong nakaraang taon. Aniya, "Huli naming pagkikita is noong last finals ng StarStruck VI. Nakita ko siya, ganoon pa rin ang hitsura niya. Madi-distinguish mo na siya si Lawiswis. Nag-picture kami."

 

Photo by:  @samanthabumatay (IG)

 

Ayon kay Miguel, nag-aaral daw ngayon si Sam at masaya sa kanyang buhay. "Si Sam, mahilig siyang mag-aral, matalino siyang tao. Satisfied naman siya kung ano'ng mayroon siya. Mas gusto niya sigurong mag-aral. Wala naman siyang nasabi sa 'kin na gusto niya ulit mag-artista," saad ng Kapuso actor.

MORE ON MIGUEL TANFELIX:

THEN AND NOW: Miguel Tanfelix as Pagaspas of 'Mulawin'

LOOK: Angel Locsin, inalala ang original anak-anakan niyang sina Miguel Tanfelix at Sam Bumatay

WATCH: Miguel Tanfelix and Bianca Umali's version of #PakGanern

 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.