LOOK: Mo Twister retrieves old tweet of controversial DJ Karen Bordador on saying no to drugs
Marami ang nag-react sa pagkakasangkot ni DJ Karen Bordador sa isang drug buy-bust operation ng mga pulis ngayong linggo. Isa na rito ang kanyang kapwa controversial DJ na si Mo Twister.
Huli sa isang buy-bust operation ang radio host/model na si Karen Bordador at kaniyang nobyo na si Emilio Lim.
Ayon sa ulat ng 24Oras, nasabat sa condo unit nina DJ Karen at Emilio ang nagkakahalagang P2.8 million pesos na marijuana at iba’t ibang flavor ng ecstasy.
Video from GMA News
Itinanggi na ng controversial disk jockey na sangkot siya droga at mariin niyang ipinahahayag na bumisita lamang siya sa condo ng kanyang boyfriend nang mangyari ang buy-bust operation ng mga pulis.
Kaagad naman nag-react ang mga netizens nang pumutok ang balita sa kanilang pagkakaaresto. Sari-saring mga opinyon ang ipinahayag ng mga nakakakilala kay Karen at isa sa mga nag-comment ay ang equally controversial DJ na si Mo Twister.
Isang throwback Twitter post ni Karen Bordador patungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang pinost ni Mo Twister sa kanyang Instagram account.
A photo posted by Mo Twister ???????? (@djmotwister) on
More on KAREN BORDADOR:
DJ Karen Bordador and nobyong Emilio Lim, nahaharap sa maraming kaso dahil sa iligal na droga
IN PHOTOS: Meet the former reality TV contestant and disk jockey Karen Bordador