Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Aiza Seguerra, hindi tanggap ang mga paninira sa kanyang asawang si Liza Dino

By CHERRY SUN
Updated On: March 9, 2020, 06:19 AM

"Ako na lang ang tirahin, not my wife” - Aiza Seguerra

Batid ni Aiza Seguerra na mayroon siyang mga bashers lalo na ngayong may posisyon na siya sa gobyerno. Gayunpaman, ang hindi niya kayang tanggapin ay ang paninira sa kanyang asawang si Liza Dino.

Kahapon, August 16, ay nanumpa na si Aiza bilang Chairperson ng National Youth Commission (NYC). Ayon sa ulat ng 24 Oras, kahit bago sa pandinig ang pagiging opisyal ng gobyerno ng singer-actress, hindi naman daw nalalayo ang mga karanasan at ginampanan nito sa mundo ng showbiz.                                                                                                               

READ: Aiza Seguerra, handa nang sumabak biang NYC Chairperson

Ani Aiza, “Yes, it is very new to me but sa totoo lang, siguro may mga ilang prosesong bago pero in terms of the organizational skills and everything, it’s not very new because sa trabaho ko naman, may mga organization din na kailangan mangyari kundi hindi tatakbo ng maayos ang isang produksyon.”

Kasabay ng pagganap sa bagong role ay ang pagkakaroon ng iba’t ibang kritiko na hindi raw hinahayaan ni Aiza na makaapekto sa kanya. Ngunit, iba raw ang kanyang nararamdaman tungkol sa mga bumabatikos kay Liza na ngayo’y Chairperson ng Film Development Council of the Philippines.  

“Sa totoo lang, sabi ko nga ako na lang ang tirahin, not my wife,” sambit ni Aiza.

“Sa kaibigan na lang ako nagra-rant. I’d rather not [make it public] pero doon ako naaapektuhan,” patuloy niya.

 

Video from GMA News

MORE ON AIZA SEGUERRA:

 

READ: Aiza Seguerra, appointed National Youth Commission chairperson ni Pangulong Duterte ()

IN PHOTOS: 10 LGBT Celebrity Couples 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.