Heart Evangelista, nagbigay ng pasilip para sa kanyang upcoming bag exhibit
Sa September na masisilayan ang 40 Hermès bags na obra ng Kapuso actress.
Tinipon ni Kapuso actress Heart Evangelista ang ilang mga miyembro ng media para magbigay ng pasilip ng kanyang upcoming exhibit ng mga handpainted bags.
Bukod doon, dito rin inanunsyo ni Heart ang opisyal petsa at lugar ng exhibit.
Ginanap ang press conference sa Todd English Food Hall sa SM Aura, Taguig.
A photo posted by Publicity and Special Events (@visions_pr) on
Ang exhibit na Carry Your HeART ay gaganapin mula September 3 hanggang September 9 sa Volkswagen Showroom sa Bonifacio Global City.
Tampok dito ang 40 Hermès bags na pinintahan mismo ni Heart.
Samantala, ibinahagi ni Heart sa 24 Oras ang kanyang bagong diet para makatulong sa plano niyang pagbubuntis.
Pinayuhan daw siyang kumain ng mga healthy good tulad ng gulay, isda at quinoa.
Para sa Juan Happy Love Story star, nasa perpektong edad na raw para siya magbuntis. Umaasa din siyang makakalipat na sila ng kanyang asawang si Senator Chiz Escudero sa kanilang four-bedroom house sa taong 2017.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
Alam niyo bang mantsa ang dahilan kung bakit naisipan ni Heart magpinta sa kanyang luxury bag?
IN PHOTOS: Heart's handpainted bags