Jake Ejercito, positibo sa kabila ng isyu kay Andi Eigenmann
May pahayag na ang gwapong binata patungkol sa issue.
Matapos ang mga maaanghang na birada ni Andi Eigenmann, binasag na ni Jake Ejercito ang kanyang katahimikan tungkol sa paggamit sa kanya diumano ng dating nobya para sa bago nitong pelikula.
MUST-READ: Bakit nagpaulan ng birada si Andi Eigenmann sa dating nobyo na si Jake Ejercito?
Taliwas sa akala ni Andi na hindi papansinin ni Jake ang kanyang mga pasaring sa Twitter, nagbigay ng pahayag ang aktor.
“Stay positive and stay real. And smile through the bs,” naunang tweet ni Jake.
Dugtong din niya bilang tugon sa isang follower, “No thanks. I’d rather be real than be a relevant sham any day.”
Mabilis ding nag-react si Andi sa mga isinulat ng dating nobyo.
Saad niya, “’Relevant sham’ said the talentless guy who joined AlDub to stay in the spotlight and campaign for his dad.”
“Slim shadey,” patuloy ni Andi.