Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

MUST-READ: Bakit nagpaulan ng birada si Andi Eigenmann sa dating nobyo na si Jake Ejercito?

By CHERRY SUN
Updated On: March 5, 2020, 02:16 AM

Sunod-sunod ang pagbitaw ng mabibigat na pahayag ni Andi Eigenmann sa Twitter ngayong araw at hindi itinanggi ng aktres na ang mga ito ay para sa kanyang dating nobyong si Jake Ejercito.

Sunod-sunod ang pagbitaw ng mabibigat na pahayag ni Andi Eigenmann sa Twitter ngayong araw at hindi itinanggi ng aktres na ang mga ito ay para sa kanyang dating nobyong si Jake Ejercito.

Mapapansing ang mga binitawang salita at pasaring ni Andie ay kaugnay sa pelikulang kanyang pinagbibidahan. Tungkol din sa pelikulang ito ang recent tweet ni Jake.

Anang aktor sa Twitter, “Alright, I have no idea why I’m being mentioned in interviews to promote something I’m not even part of and when my closest connection to the film is someone I haven’t been in proper contact with for a long time. Can’t you promote your film by only entertaining questions about the film or perhaps your career?”

 

 

Marahil dahil sa tweet na ito, sinubukan ni Andi na magpaliwanag at maglabas ng sama ng loob.

 

"'Yung pelikula namin title pa lang alam mo na kung tungkol saan. Malamang sa lahat ng interview ang unang tanong sa aming 5 ay tungkol sa mga panahon na lahat kami ay nakaranas ng pagkasawi. #CampSawi nga eh,” panimula ng kanyang tweets.

 

 

“Bago mo isipin na ginagamit ka para sa pelikula, sana inisip mo muna na sumasagot lang po kami base sa kung ano ang nararamdaman namin nung mga panahon na ‘yun. Sorry naman kung hanggang hiwalay na tayo, bawal ko pa rin i-share ‘yung personal kong pinagdaanan para makapag-move on. Is it just me or hindi nakakalalaki na hindi mo matanggap na nakasakit ka rin ng ibang tao,” patuloy ng aktres.

 

 

 

Diin pa ni Andi na hindi siya hahantong sa paggamit ng ibang tao para i-promote ang kanyang ginawang pelikula.

 

Sambit niya, “At out of limang sawi, ikaw lang ang ex na nag-feeling na ginagamit ka namin para lang makapag-promote ng pelikula. Mayroon akong apat na maganda, sexy, at magagaling na kasama sa pelikula. Hindi kita kailangan para lang panooring ang pelikula namin.”

 

 

“So bago mo isipin na ginagamit ka, o dinadamay ka sa pelikula, sabihin mo na lang sa mga tao na 'wag nila akong tanungin tungkol sa mga tao o oras na pinakanasaktan ako. If you have no ounce of respect for me, then I have lost all respect I had left for you,” patuloy ni Andi.

 

 

 

Binanggit din ng aktres sa kanyang tweets ang tungkol sa kanyang anak na si Ellie na kumikilala kay Jake bilang kanyang father figure.

 

 

 

Matapos ang kanyang mahabang pahayag ay kinumpirma nga ni Andi na ang mga isinulat niya ay para kay Jake. Panawagan din niya sa dating nobyo na “'wag masyado mayabang.”

 

 

 

Muli rin niyang lininaw na hindi niya intensyong manakit sa hindi sinasadyang pagkadawit ni Jake sa kanyang pelikula. Bilang pagtatapos ay ipinahayag din ni Andi na naka-move on na siya.

 

 

 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.