#IMReady: Aiza Seguerra, handa nang sumabak bilang NYC Chair
"Kaya ‘yan, kayang-kaya.” - Aiza Seguerra
A photo posted by Aiza Seguerra (@aizaseguerra) on
Hindi lang ang lagay ng panahon ang pinaghahandaan ni Kapuso singer-actress Aiza Seguerra dahil “I M Ready” na rin siya pagdating sa kanyang pagsabak bilang Chair ng National Youth Commission.
Alam ni Aiza na hindi magiging madali ang kanyang papasuking trabaho, “Maraming challenges ‘yan” pero nanatili siyang positibo na tahakin ito.
“Nakakatuwa dahil nararamdaman ko naman ‘yung pagtanggap ng mga kasama ko sa trabaho and alam ko na siyempre may transition pang magaganap diyan. Kaya ‘yan, kayang-kaya,” saad ng “Pagdating ng Panahon” singer sa Unang Hirit.
Bukod sa kanyang appointment sa gobyerno, magkakaroon siya ng series of concerts sa susunod na buwan tuwing Sabado para ipagdiwang ang kanyang birthday month.
“Sa September 3 po, nandun ako sa Music Hall, Metrowalk, [sa] September 10, nandun naman po kami sa 19 East [at sa] September 17, nandun naman po ako sa [The] 70’s Bistro para po iyan sa ‘Videoke Hits’.”
READ: Liza Diño to encourage Filipinos to watch local films as FDCP Chief
READ: Mocha Uson, nag-react sa appointment ng showbiz personalities sa gobyerno