DJ Karen Bordador and nobyong Emilio Lim, nahaharap sa maraming kaso dahil sa iligal na droga
Patong-patong na reklamo ang hinaharap ni radio DJ Karen Bordador at nobyong si Emilio Lim ngayon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa droga.
Patong-patong na reklamo ang hinaharap ni radio DJ Karen Bordador at nobyong si Emilio Lim ngayon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa droga.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, nasabat ang nagkakahalagang 2.8 million pesos na marijuana at iba’t ibang flavor ng ecstasy sa condo unit nina DJ Karen at Emilio. Nahuli ang dalawa sa pamamamagitan ng isang buy-bust operation.
Ayon din sa pulisya, si Emilio ang itinuturong supplier ng mga party drugs.
“Siya ang itinuturong malaking nagsu-supply sa mga nagtutulak sa mga club sa Makati at sa BGC. Halo-halo na ang mga customers dyan, mga estudyante, may mga teenagers, may mga mayayaman, may mga artista,” sambit ni Senior Superintendent Tomas Apolinario, Director ng Southern Police District.
Hindi nagbigay ng pahayag si Emilio sa ulat ng 24 Oras. Samantala, itinanggi ni DJ Karen na sangkot siya sa droga.
Videos from GMA News