Mocha Uson, nag-react sa appointment ng showbiz personalities sa gobyerno
āOur country needs people in the government who really love our nation." - Mocha
Marami ang hindi sumang-ayon sa paghirang ni President Rodrigo āDigongā Duterte sa mga showbiz personalities na sina Jimmy Bondoc at Arnel Ignacio na parehong Assistant Vice President ng Philippine Amusement and Gaming Corporation habang ang mag-asawang Aiza Seguerra at Liza DiƱo naman ay Chair ng National Youth Commission at Film Development Council of the Philippines.
READ: Liza DiƱo to encourage Filipinos to watch local films as FDCP Chief
Naging maingay rin ang pangalan ng Mocha Girls lead vocalist na si Mocha Uson dahil umano sa kanyang appointment as Bureau of Customsā Social Media Consultant ngunit itinanggi niya ito sa kanyang Facebook page, āPaulit ulit akong tinatanong ng media kung ako daw ba ay magkakaroon ng position sa GOBYERNO at paulit ulit ko din pong sinasabi na wala po akong interes na pumasok sa gobyerno o sa anumang position.ā
Dahil dito, madalas raw siyang hinihingan ng media ng kanyang saloobin patungkol sa āentertainer supportersā ng presidente.
Suportado niya raw ang mga artistang ito, āOur country needs people in the government who really love our nation. At sa tingin ko naman [ay nandiyan] ang puso nila Jimmy, Arnel, Liza at Aiza.ā
READ: Is this Mocha Uson reaction to Liza DiƱoās social media post?
Ito raw ay ang mga taong nakitaan na ng karakter mula noon, āMaaari hindi kami [sang-ayon] sa ilang mga bagay ngunit naniniwala ako na sila ay makakatulong sa ating pangulo. Huwag sana natin silang husgahan dahil sila ay singer, artista o entertainer lamang.ā
Ipinaliwanag ng singer na maraming mambabatas at government officials ang naaangkop sa posisyon ngunit sila ay may kakulangan na maglingkod nang totoo sa bayan.
āNapakaraming matatalino diyan ngunit ang tanong, bakit sila ang isang sa pinaka-corrupt na sector ng ating gobyerno? [Ito ay] dahil bibihira ka makakita ng mga senador o kongresista na may tunay na pagmamahal sa bayan,ā saad ng avid Duterte supporter.
WATCH: Mocha Uson, may exclusive interview kay President-elect Rodrigo Duterte