Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Aiza Seguerra, appointed National Youth Commission chairperson ni Pangulong Duterte

By CHERRY SUN
Updated On: March 11, 2020, 06:16 PM

Natuwa ang Dabarkads sa magandang balitang ito at nagpaabot sila ng mensahe para kay Aiza sa pamamagitan ng kanilang programang 'Eat Bulaga.'

Si Aiza Seguerra ang bagong itinalagang National Youth Commission (NYC) chairperson ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang inanunsyo ng government television network na PTV sa kanilang Facebook page.

 

 

ā€œMs. Cariza Y. Seguerra has been appointed as Chairperson, National Youth Commission for a term of three years,ā€ ayon sa isang post.

Sa panayam ng 24 Oras ay inilahad na rin ni Aiza ang kanyang plano para sa pamumunuang opisina ng gobyerno.

ā€œAko talaga, ang akin is empowering the youth organizations. All sectors, urban poor to our indigenous people, so talagang I want them to be partners with NYC,ā€ aniya.

Tinanggap naman ng mga Dabarkads ang magandang balita at nagpaabot ng mensahe para kay Aiza sa pamamagitan ng kanilang programa.

Pagbati ni Vic Sotto, ā€œI-congratulate natin si Aiza Seguerra, chairperson ng National Youth Commission. Proud ang Eat Bulaga family saā€™yo at ang Kabisote family, proud saā€™yo.ā€

ā€œAiza, mabuhay ka,ā€ sambit naman ni Jose Manalo.

Si Aiza ang papalit kay Gio Tingson sa naturang posisyon. 

Si Aiza ang papalit kay Gio Tingson sa naturang posisyon. Ayon sa ulat ng 24 Oras, makikipagpulong din daw siya sa dating Commissioner-at-Large na si Dingdong Dantes.

Samantala, ang kanyang asawa na si Liza Dino ay itinalaga rin ni Pangulong Duterte bilang chairperson sa Film Development Council of the Philippines para sa terminong tatagal din ng tatlong taon.

ā€œIā€™m here to serve. First on the list is to hold a film summit and a consultation with the entire film community just to address kung ano pa ba ā€˜yung needs na kailangan natin gawin,ā€ pahayag ni Liza.

Sa parehong ulat ng 24 Oras ay lininaw din ni Jimmy Bondoc na hindi siya nagbitiw bilang AVP for Entertainment ng PAGCOR.

ā€œThe appointment was never finalized  because the Board had not convened at that time,ā€ ayon sa pahayag ng singer na ipinadala sa Kapuso news program.

ā€œIn a conversation with Mr. Bong Go, we considered another post in PTV4, because I might be able to work on larger scale entertainment (like radio or TV shows on the public network) that may help inform people more about the Presidentā€™s platform,ā€ patuloy ng kanyang salaysay.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.