Neri Naig to Chito Miranda: "Mas buntis pa ata asawa ko kaysa sa akin"
Nagbigay ng pregnancy update si Neri.
Maituturing na excited mom-to-be si Neri Naig-Miranda sa kanilang anak ni Chito Miranda. Sa kanyang post sa Instagram, ibinahagi niya ang mga pagbabago ngayong lumalaki na ang kanilang anak sa loob ng kanyang sinapupunan.
Pagsisimula ni Neri, "Nagising ako sa lakas ng sipa ni baby! Kahapon pa siya sobrang active!"
Kuwento ni Neri, hindi maitago ni Chito ang kanyang tuwa dahil sa nararamdaman niya ang paggalaw ng kanilang anak na tila nakikipag-usap sa kanya.
"Tuwang tuwa naman si Daddy Chito kase nakikita niya talaga yung tyan ko na gumagalaw. Kinakausap at kinikiss ng asawa ko ang tummy ko at sumasagot naman si baby kase panay sipa niya."
Ibinahagi rin ni Neri na ang pagbabago sa kanyang pagtulog, eating habits, at pag-aalaga ni Chito sa kanya. Aniya, "Mahaba haba ang tulog ko kanina kaya pagkagising ko medyo gutom ako. Pinagprepare ako ng asawa ko ng melon. Ayun pati siya nakikain, hahaha! Mas buntis pa ata asawa ko kaysa sa akin."
Bilang pagtatapos sa kanyang post, ipinahayag ni Neri ang kanyang pagmamahal sa kanyang pamilya at pasasalamat sa Panginoon.
"I love my family. Thank you, Lord. SOBRA."
MORE ON NERI MIRANDA AND CHITO MIRANDA:
Neri Naig on husband Chito Miranda: "Siya ang private nurse ko"
Neri Naig, nanghihingi ng tips para sa kanyang unang baby
MUST-READ: "Mamahalin ko talaga 'tong babaeng 'to ng todo-todo" - Chito Miranda on wife Neri