Solenn Heussaff, sinagot ang mga bashers ng kanyang sexy magazine cover
Sa post ni Solenn sa kanyang Instagram account nilinaw niya ang na isang faux fur ang kanyang suot sa pictorial.
Usap-usapan ngayon ang sexy magazine cover ni Solenn Heussaff sa FHM dahil pinupuna ng ilang netizens ang isang parte ng kanyang kasuotan.
LOOK: Solenn Heussaff on the August cover of men's magazine
A photo posted by Solenn Heussaff (@solennheussaff) on
Sa post ni Solenn sa kanyang Instagram account nilinaw niya ang na isang faux fur ang kanyang suot sa pictorial. Aniya, "To people asking: yes the fox is fake. No animals were harmed for this shoot. Maybe me lang haha rrroar"
Sa kabila ng kanyang pahayag na hindi tunay ang fox na nasa kanyang balikat, umani pa rin ng batikos ang Kapuso star.
Ilan naman sa mga followers ni Solenn ang dumipensa sa kanya sa usaping ito.
Para tuluyan nang matapos ang usapin, sinagot ni Solenn ang mga taong patuloy na nangba-bash sa kanyang Instagram account.
Pagsisimula niya, "Im not trying to fight anyone here."
Tinapos ni Solenn ang kanyang pahayag sa paghingi ng "world peace". Aniya, "So please guys. World peace and move on :) baboushka"
MORE ON SOLENN HEUSSAFF:
Ano ang masasabi ni Nico Bolzico sa mga roles ni Solenn Heussaff?
Solenn Heussaff starts new #SolennArt
Solenn Heussaff, gusto na bang magkaanak kay Nico Bolzico?