WATCH: Ryzza Mae Dizon, ipinasilip ang loob ng van na katas ng kanyang ipon
Ano kaya ang nasa loob ng kanyang van?
Kaliwa’t kanan ang mga proyekto ni Aleng Maliit Ryzza Mae Dizon sa loob ng apat na taon niya sa showbiz at isa sa mga puhunan niya ay ang kanyang white Isuzu van.
Ipinasilip niya ang laman nito sa Unang Hirit crew na binigyan niya ng tsokolateng dala-dala niya sa isang garapon.
Mapapansin ang kulay pink niyang mga gamit at mahahalata kaagad na paborito ng child actress si Hello Kitty.
Ano kaya ang mga dala ng child actress kapag siya ay nasa set ng Calle Siete? Inisa-isa niya ang mga ito, “Dito n'yo makikita ang camera ko, [water bottle], payong, bag, maleta, pamaypay, damit, mga [accessories], shades.”
Kumpleto rin sa makeup si Aleng Maliit, “Pero ‘di ko pa po siya ginagamit kasi hindi pa puwede [kasi] baka [ma-irritate] ang face ko. Bawal pa po kasi bata pa [ako so] powder lang.”
READ: Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon, nagdadalaga na?
Bukod sa mga unan na mukhang prutas, labindalawang pares ng sapatos ang kanyang dala. Paborito ni Ryzza ang red Oxford shoes, “Binigay po ito ng boss namin sa Eat Bulaga, si Ma’am Jenny [Ferre]. Ganda po siya kasi red siya and may [bling sa sole]."
Video courtesy of GMA News
MORE ON RYZZA MAE DIZON:
Sino ang nagpaiyak kay Ryzza Mae Dizon sa kanyang birthday celebration sa ‘Eat Bulaga’
WATCH: Ryzza Mae Dizon at Bae-by Baste, sinubukang buhatin ang isa’t isa