'Descendants of the Sun' ipapalabas na ngayong July 25 pagkatapos ng 'Encantadia'
Ang 'Descendants of the Sun' ay ang kuwento ng isang doktor at isang sundalo na may matinding attraction sa isa't isa.
Ipapalabas na ang phenomenal Korean drama na Descendants of the Sun sa GMA Telebabad ngayong July 25, pagkatapos ng telefantasya na Encantadia.
Ang Descendants of the Sun ay ang kuwento ng isang doktor at isang sundalo na may matinding attraction sa isa't isa.
Ngunit "possible kayang mabuo ang tunay na pag-iibigan sa pagitan ng isang sundalo at isang doktor na magkaiba ang pananaw at paniniwala sa buhay?" Ito ang tanong ng mga fans ng Descendants of the Sun sa ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.
Nakapanyam din naman ni Cata si Chris Choi na nakapag-mandatory military service na sa Korea na ngayon ay PR Manager na sa Korean Cultural Center in the Philippines.
Ika ni Chris, nagustuhan niya ang drama dahil relatable ito. Naging most awaited drama of 2016 din ang Descendants of the Sun hindi lang dahil ito ang comeback show ni Song Joong-ki pagkatapos ng kanyang mandatory military service, pero dahil na rin sa ganda ng cinematography at sa shooting locations ng show outside Korea.
Patok din ang mga banat dito ng karakter ni Song Joong Ki na si Lucas Yoo, pati na rin ang very cute at nakakakilig na dialogue nila ni Maxine Kang na ginagampanan naman ni Song Hye Kyo.
READ: Descendants of the Sun: Si Song Joong-ki bilang ang ubod ng guwapong si Captain Lucas Yoo
Descendants of the Sun: Song Hye-kyo bilang ang napakagandang si Doctora Maxine Kang
Ang love story nila at ang action scenes ay ang pinakaaabangan sa Descendants of the Sun. Paliwanag ni Chris Choi, "The action scene is really realistic. [And their love story is something to look forward to, since] loving each other [during] hard times is more precious."
Video courtesy of GMA News