Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon, nagdadalaga na?
Tutukan ang Calle Siete, Monday to Friday ng 11:30 a.m., bago mag-Eat Bulaga.
Nagiging blooming na raw si Aleng Maliit sa kanyang bagong show tuwing umaga, ang Calle Siete.
Napansin ito ng kanyang lead co-stars na sina Christian Vasquez at Eula Valdez na ginagampanan ang papel ng mag-asawang Mark at Sheila Sebastian na silang nagmamay-ari ng Mabuhay Compound.
“Kita mo [ang] pula-pula na ng [kanyang pisngi],” ang tukso ng Kapuso leading man sa batang aktres na si Ryzza Mae Dizon.
Ginatungan pa ito ng veteran actress, “Sa Princess [in the Palace], wala siyang ganun [pero] ngayon [ay] rosy cheeks na siya. ‘I woke up like this!’”
READ: Sino ang nagpaiyak kay Ryzza Mae Dizon sa kanyang birthday celebration sa ‘Eat Bulaga?’
Ito raw ay dahil sa kanyang ulilang karakter na may dalawang kuya na ginagampanan nina That’s My Bae Grand Winner Kenneth Earl Medrano at ang aktor na si Lucky Mercado.
Paliwanag ng child actress kay Unang Hirit host Luanne Dy, “Ako po si Barbie Delloso [at] ayaw niya na po na bine-baby siya [kasi] gusto niya nang dalaga na siya, ‘yung tweenager.”
Kaya niya na kaya ang mga responsibilidad ng nagdadalaga? “Siyempre,” bilis na sagot ni Aleng Maliit. Kumpleto nga raw ang kanyang mga dala sa set, “‘Yung higaan ko, unan [at] kumot tapos [mga] sapatos, [lalong-lalo na ang] bota [ko] kasi laging baha dito.”
A photo posted by Takako Saito AKA Taki ???? (@real_takako) on
Hindi nakakapagtataka kung bakit masaya ang kanilang palabas dahil ganun rin sila sa set mismo. Patunay ni Eula, “Tawanan [at] kulitan [ang] ginagawa namin ‘pag may mga eksena.”
Kasama nila sina veteran actress Gloria Sevilla, Eat Bulaga HBD Girl Patricia Tumulak, Sunday PinaSaya performer Lovely Abella, new Kapuso actress Taki Saito at Rubi Rubi.
“Mga Dabarkads, ‘wag niyo pong kakalimutan manuod ng Calle Siete [tuwing] Monday to Friday ng 11:30 [a.m.] bago mag-Eat Bulaga.”
MORE ON CALLE SIETE: