Pamilya ng American girlfriend ni Buboy Villar, tutol sa kanilang pagsasama at planong pagpapakasal?
Ginulat ng young couple ang showbiz nang isinapubliko ng Encantadia star noong nakaraang linggo ang pagsasama at planong pagpapakasal nila ng kanyang American fiancé na si Angillyn Gorens sa susunod na taon.
A photo posted by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on
“Walang makakapigil sa amin,” ayon kay Kapuso star Buboy Villar ngunit paano kung pamilya mismo ang humahadlang sa inyong pag-iibigan?
IN PHOTOS: #YoungLove: Engaged couple Buboy Villar & Angillyn Gorens
Ginulat ng young couple ang showbiz nang isinapubliko ng Encantadia star noong nakaraang linggo ang pagsasama at planong pagpapakasal nila ng kanyang American fiancé na si Angillyn Gorens sa susunod na taon.
Lingid sa kaalaman ng karamihan, matagal nang umalis ang kanyang non-showbiz girlfriend sa puder ng pamilya nito sa Estados Unidos upang ipagpatuloy ang kanilang relasyon.
READ: Sister of girl in Buboy Villar’s social media posts clarifies supposed relationship
Ayon sa Facebook post ni Angi, “I was separated with them when I became 18 [years old] in America. I'm in the legal age now [in which] I can decide what I want and what I [want to] do for my future. I don't need anyone's approval.”
Nitong Hunyo lamang, lumipad ng Pilipinas ang kanyang teen girlfriend para permanente nang manirahan sa Pilipinas. Hindi naman itinago ni Buboy na nagsasama na sila ng kasintahan sa iisang bubong. “Ayoko [siya] mag-solo sa States [at] ayoko na malayo [siya] sa akin. Mahal namin ang isa’t isa.”
Suportado ng pamilya ang Kapuso star sa kanilang relasyon ngunit tutol raw ang sa panig ng kanyang soon-to-be-wife, “Wala akong [sinabi] na pumayag ang Gorens Family. Ang [sinabi] ko [ay] pumayag ang parents ko sa [desisyon] ko at suportado [ng] pamilya ko kaming dalawa ni Angi.”
Kung kay Angi pa, wala na raw magagawa ang kanyang pamilya sa naging desisyon nila ng kanyang boyfriend. Ani, “They found out [so] they have to deal with it. [Buboy and I] aren't backing out [because] we both love each other.”
Basahin ang kabuaang post nina Buboy at Angi sa baba.