Most daring role ni Rhian Ramos, mapapanood na sa 'Sinungaling Mong Puso'
"Oo, ito po 'yung most daring role ko. This is it!" - Rhian Ramos
Isang malaking challenge daw para kay Kapuso actress Rhian Ramos ang ganapan ang role na minsan nang ginampanan ni Star for All Seasons Vilma Santos.
Ito ang hamon ng GMA Afternoon Prime series na Sinungaling Mong Puso para sa kanya.
READ: Rhian Ramos, gagampanan ang role na minsan nang ginawa ni Vilma Santos
"Alam ko, kailangan kong i-level up ang sarili ko. Kailangan kong i-level up lahat para sa show na ito—physically, in terms of my craft, my acting, in terms of kung gaano ako ka-open sa mga scene partners ko. Kailangan mag-level up lahat ng mga bagay na 'yun. Gagawin ko po 'yun para sa inyo. Sana ma-enjoy n'yo," paliwanag niya sa ilang piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.
Isang milestone din para sa career ni Rhian ang kanyang pinakabagong role dahil bukod sa bigat ng mga dramatic scenes sa serye, mayroon din itong mga temang bahagyang sexy.
"Wow! Finally, maaamin ko na 'to. Oo, ito po 'yung most daring role ko. This is it!" aniya.
Gayunpaman, handa na raw si Rhian para sa mas mature na roles tulad nito.
"Emotionally, pine-prepare ko 'yung sarili ko ng unti-unti para dito. Handa ako to do my very best," pangako niya.
Nakakatulong din na lahat ng nasa cast ng serye ay handa ring ibigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa show.
"Actually, lahat kami ganoon naman din. Pinag-uusapan na namin before and we are really going to give our all to this show para ma-enjoy ng mga Afternoon Prime viewers. We want to do this for them!" pagtatapos nito.
LOOK: IN PHOTOS: 'Sinungaling Mong Puso' press conference
Makakasama ni Rhian sina Rafael Rosell, Kiko Estrada, Jazz Ocampo, Stephanie Sol, Gee Canlas, Gab de Leon, JC Tiuseco, Michael de Mesa, Glydel Mercado, Cheska Diaz at marami pang iba.
Tunghayan ang Sinungaling Mong Puso, simula July 18, pagktapos ng Magkaibang Mundo, sa GMA Afternoon Prime.
MORE ON RHIAN RAMOS:
What made Rhian Ramos say "yes" to a men's magazine cover after seven years?
Rhian Ramos on hosting: "When I was a little younger, I was uncomfortable as a host"