Andre Paras on brother: "Ang saya ko every time napapaiyak ko si Kobe"
Hindi naman daw ito ginagawa ni Andre para maging sarcastic kundi isang paraan niya ng paglalambing at pagsasabi ng "I love you."
Super close sa isa't isa ang Paras brothers na sina Andre at Kobe at very vocal sila kapag nami-miss nila ang isa’t isa.
WATCH: Andre Paras congratulates brother Kobe for his 43-point performance on court
Kasama sa bromance ng magkapatid ang kulitan at asaran na madalas gawin ng nakakatandang si Andre.
Bully raw siya sa kanyang 18-year-old brother, “Ginagawa ko ‘to sa kapatid ko noong bata pa kami [kasi] parang I find pleasure every time [na] napapaiyak ko si Kobe. In a way, ang cute kasi.”
Ibang-iba raw kasi ang basketball superstar na kapatid niya noon, “Parang chubby siya [and] cute [at] kapag umiiyak, umiiba ang hitsura niya. I do it for a good purpose naman. I mean, biruan lang kami.”
“For example, kumakain lang siya [tapos sasabihan ko], ‘Uy, lalaki ka!’ [and] then iiyak siya [at sasabihing], ‘I’m not fat! I’m just eating.’ Ma-imagine mo ang cute niya [kasi] mukha siyang siopao,” patawang naalala ng aktor.
Hindi naman daw niya ginagawa ito para maging sarcastic, “Lambing. It’s a bond [and] it’s another way of saying, ‘I love you.’”
MORE ON PARAS BROTHERS:
Andre Paras pangarap na makapasok si Kobe Paras sa NBA
Andre and Kobe: The inseparable Paras brothers in 15 photos