Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Neri Naig, nanghihingi ng tips para sa kanyang unang baby

By ANN CHARMAINE AQUINO
Updated On: March 6, 2020, 03:21 PM

Excited na ang first time mom! 

Ibinahagi ni Neri Naig ang bagong milestone sa kanyang pagbubuntis sa social media. Ayon sa kanya, alam na niya at ng kanyang asawa na si Chito Miranda ang gender ng kanilang unang anak. 

 

A photo posted by Neri Miranda (@little_lulu___) on

 

"100% na alam na namin ngayon ang gender ni baby! Kakapacheck up lang namin few days ago.Nakaka excite! Konting buwan na lang!" Saad ni Neri.

Isa sa mga inilahad ni Neri sa kanyang post ay ang paghahanda nila ni Chito sa pagdating ng kanilang unang anak.

Aniya, "Di pa kami bumibili ng mga gamit ni baby kahit crib. Sabi kase ni Chito na may classmate daw sya na magbibigay ng crib kase di na nila kailangan. Ok na ok sa akin yun, haha! Kase ilang months mo lang din namang kailangan yung crib tapos itatago lang din sa bodega after. Ang mahal kaya ng crib ngayon! Gusto nga akong bilhan ng asawa ko ng recliner chair, maganda daw kase yun sa mga buntis kaso sabi ko wag na kase mahal! Ilang buwan na lang naman saka lagi naman ako sa bed basta maraming unan, solb na ako."

Ilang mga tanong naman ang inilagay ni Neri sa kanyang Instagram post.

"Gusto ko lang ask sa inyo kung what month ba dapat magstart bumili ng mga gamit ni baby? May room na siya, wala lang gamit, haha!" Ay meron pala, isa! Kate Spade Diaper bag! Nabili ko sa Vegas last year pa pero di ko alam na diaper bag pala siya kase super sale! Parang 3k lang ata tapos ang laki laki ng bag. Haha!"

Dagdag pa ni Neri, "Saka ask ko rin ano ba ang mga basic na gamit na dapat dalhin kapag manganganak na? Para ireready ko na. Penge din po ng mga tips kung saan maganda talaga na bumili ng mga gamit ni baby, if may specific na brand na maganda po. Thank you!"

More on Neri Naig and Chito Miranda:

MUST-READ: "Mamahalin ko talaga 'tong babaeng 'to ng todo-todo" - Chito Miranda on wife Neri

Neri Naig-Miranda, kinilig kay Marian Rivera

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.