Eula Valdez, ano ang ginawa nang malamang dinadala pala niya ang anak ng kanyang ex-husband?
Naka-relate ang aktres sa isa sa mga hugot-stories ng Yan ang Mornings! nang mag-guest siya noong July 7.
Naka-relate si Eula Valdez sa isa sa mga hugot stories sa Yan Ang Morning!, kung saan nalaman ng babae sa kuwento na buntis pala siya after nila maghiwalay ng kanyang asawa.
Ika ng aktres, “Alam ko ‘yan, napagdaanan ko ‘yan. Nalaman kong buntis na ako sa first child ko, and hiwalay na kami. Ang inisip ko naman ay ang kapakanan ng anak ko.”
Advice naman ni Eula: “Siguro, ang alagaan mo muna ngayon, ‘yung sarili mo. 'Yang love na ‘yan, hahanapin ka niyan kahit nasa mas malayo ka pa, ‘yung mamahalin kayo nung magiging anak mo. Kasi naniniwala akong may isang taong nakalaan para sa isang tao.”
Dagdag din ni Marian, “Sa pagkakataon na ito, kung pipili ka ng asawa na walang ginawa kundi magsinungaling at mambabae, o anak na kailangan ng isang ina, doon ka sa anak mo.”
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Kris Aquino on her health: "Feeling mo makina ka, hindi mo nare-realize na may singil pala"
Kris Aquino to Marian Rivera: “Ang ganda ng anak mo, hintayin ni Bimb”