Aiai delas Alas, starstruck kay President Rodrigo Duterte
Panoorin ang video na kuha mismo ng Comedy Queen sa qualifying game ng Gilas Pilipinas.
Nanonood si Aiai delas Alas sa unang qualifying game ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Olympic nang siya ay ma-starstruck dahil kay President Rodrigo Duterte.
Kasama ni Aiai ang kanyang nobyong si Gerald Sibayan sa SM MOA Arena kung saan naganap ang laban sa pagitan ng Gilas Pilipinas at koponan ng France. Kabilang din sa mga dumalo ay ang bagong halal na pangulo na naging bahagi ng ceremonial tossing sa laro ng basketball.
A photo posted by GMA News (@gmanews) on
Kuwento ni Aiai, “Grabe nung dumating siya, chant ‘yung pangalan niya. Mahal ng Pinoy. Sayang di ako nakapagpa-picture…Nahiya ako tapos noong malakas na loob ko nagsimula na ‘yung third quarter. Hahaha. Eto nganga, wala kami pic. At least na-picturan ko siya. Lakas maka-starstruck ni Mayor President.”
A video posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
Sa parehong laro ay nakasabay din manood ni Aiai sina Edu Manzano at Bayani Agbayani.
A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on
MORE ON AIAI DELAS ALAS:
READ: Ang reaksyon Aiai Delas Alas nang mapanood ang raw footage ng kanyang pagganap bilang prostitute
READ: Paano nagagawang magpatawa ni Aiai delas Alas kahit may dinadalang problema sa buhay?