Ano ang paboritong pagkain ni Vic Sotto na niluluto ni Pauleen Luna?
“Itlog kasi every morning kailangan may itlog at kailangan [iba-ibang klase] talaga kasi siyempre nakakasawa kung puro sunny side up, ‘di ba?” - Pauleen Luna
1st honor in Eat Bulaga today! ????
A photo posted by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenjlunasotto) on
Nagkuwento sa Mars ang Eat Bulaga host na si Pauleen Luna tungkol sa kanyang buhay bilang Mrs. Sotto.
“Okay naman, medyo ngayon ko pa lang siya nafi-feel kasi kakalipat pa lang namin sa new house,” paunang sinabi ng misis ni Kapusos star Vic Sotto.
Si Pauleen ang nagsilbing project manager ng kanyang bagong bahay kaya alam niya ang bawat detalye nito. “Inayos ko siya from scratch so nagtiyaga talaga ako, kumbaga, ang pinagawa lang namin is structurals. Everything from the tiles to the roof to the paint, hooks, hinges, ako talaga ‘yung bumili.”
Sa kabila ng kanyang showbiz commitments, ang bahay nila ni Bossing ang kanyang pinagtuunan ng pansin habang inaayos rin ang kanilang kasal na nangyari noong Enero.
Mahabang panahon rin itong pinag-isipan at inasikaso ni Mrs. Sotto, “Mga one year ginawa tapos ‘yung half [ay] pang-finishing. Matagal talaga [kaya] ngayon [ay] na-e-enjoy na namin ang bahay kasi nga bagong-bago at saka natutukan namin. Memoryadong-memoryado talaga namin ang bahay.”
Ang pagbibili ng extra tiles ang naging payo ni Mars Pauleen para sa mga nagpapagawa ng kanilang bahay dahil ito raw ang isa sa mga pinakamabilis mabasag.
A photo posted by Mars (TV Show) (@mars_gmanewstv) on
Habang nagkukuwento siya, ipinagluluto niya sina Mars hosts Camille Prats at Suzi Abrera at ang kanyang kapwa guest celebrity na si Kris Bernal kaya naitanong nila kung ano ang paboritong niluluto niya para sa kanyang mister.
Natatawang sagot ni Mrs. Sotto, “Itlog kasi every morning kailangan may itlog at kailangan [iba-ibang klase] talaga kasi siyempre nakakasawa kung puro sunny side up, ‘di ba?”
MORE ON PAULEEN LUNA:
Pauleen Luna on being Mrs. Sotto
LOOK: Pauleen Luna and Vic Sotto host first lunch at new residence