WATCH: Mocha Uson, may exclusive interview kay President-elect Rodrigo Duterte
“Nagpapasalamat po ako sa ating Pangulo sa pagbigay niya ng panahon na pag-usapan ang hinaing ng ating mga KA-DDS (Duterte Die-hard Supporters)" - Mocha Uson
Napaunlakan ng isang exclusive interview si Mocha Uson ng grupong Mocha girls ni President-elect Rodrigo Duterte. Dito ay napag-usapan nila ang iba’t ibang isyu ng mga kababayan at pati na rin ang mga kontrobersyang nauugnay sa bagong pangulo ng Pilipinas.
Paliwanag ni Mocha sa kanyang post, “Sa tulong ng aking mga nakilala noong panahon ng kampanya, ako po ay napaunlakan na makipag-meeting sa ating Pangulo sa Malacanang of the South sa Davao City kagabi June 24, 2016. It was a very humbling experience.”
“Nagpapasalamat po ako sa ating Pangulo sa pagbigay niya ng panahon na pag-usapan ang hinaing ng ating mga KA-DDS (Duterte Die-hard Supporters),” patuloy niya.
Inilatag ni Mocha sa unang bahagi ng kanyang panayam ang mga hinaing at hiling ng mga kababayan para sa unang 100 araw ng pagkaluklok ni President-elect Duterte sa pagkapangulo. Kabilang sa kanilang mga pinag-usapan ay ang death penalty, pagsugpo sa paggamit ng iligal na droga at isang opisina na tutugon sa mga pangangailangan ng mga Pinoy na nagtatatrabaho sa ibang bansa.
Mapapanood naman sa ikalawang video kung paano nilinaw ni President-elect Duterte ang kanyang pananaw tungkol sa media. Kasunod nito ay ang muling paghayag ni Mocha ng suporta sa pag-boycott sa media.
READ: Mocha Uson reacts on media boycott of Duterte: "Huwag na kayong bumalik ng Davao at last interview niyo na yan"
Sambit ng singer,” Yes Sir, we support you 100%. I-boycott na po natin ang media.”
“’Yung mga tao po on my Facebook which has 3.7 million followers, supporters niyo po ‘yun and they want me to be an instrument para po maiparating po sa inyo ‘yung mga letters po na ito,” dagdag ni Mocha.
Paksa naman sa ikatlong bahagi ng kanyang panayam ang diumano’y pagiging ipokrito raw ng simbahan.
Bukas, June 30, magaganap ang panunumpa at inagurasyon ng pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas.
MORE ON MOCHA USON AND PRESIDENT-ELECT RODRIGO DUTERTE:
Mocha Uson to VP-elect Leni Robredo: "Magbabantay kami sa'yo madam"