Ano ang masasabi ni Jake Vargas na kamukha niya raw si Carrot Man?
“Ang galing nga eh... Saktong kamukha na kamukha ko si Carrot Man.” - Jake Vargas
Si Kapuso star Jake Vargas ang napiling gumanap bilang Carrot Man o si Jeyrick Sigmaton sa totoong buhay para gampanan ang kuwento nito sa Magpakailanman bukas (June 25).
Nang ilabas ang mga teaser photos ng upcoming episode, maraming nakapansin ng pagkakahawig ng Kapuso actor sa internet sensation.
Mainit na tinanggap ng binata ang mga komento ng tagahanga ng baguhang Kapuso, lalong lalo na nang kunan sila ng litrato na magkatabi. “Ang galing nga eh at saka ang galing ng nag-picture sa akin niyan. Saktong kamukha na kamukha ko si Carrot Man,” saad ng 23-year-old actor.
Napagkalaman pa umano siya ng katutubo ni Carrot Man sa Mountain Province, “Kinausap ako [ng lingguahe nila]. Sabi ko, ‘Kuya, ano po? Hindi ko po naintindihan.’ Akala niya ako si Jeyrick.”
Napahanga si Jake nang malaman ang talambuhay ng binata. Kuwento niya sa Unang Hirit, “Noong nasa taping ako, binasa ko lahat ng script kung paano siya nagsimula [hanggang] kung paano sumikat si Jeyrick. Since bata, nagtrabaho na talaga siya para sa pamilya niya [at] para makatulong siya dun sa mga kapatid niya so ang ganda ng istorya ni Jeyrick.”
Para maging makatototahan ang kanyang pagganap, pinabuhat rin siya ng kaing ng carrots. Saad niya, “Pinabuhat sa akin talaga para maramdaman ko ang ginagawa ni Jeyrick. Mabigat, sobra! ‘Di biro kasi mangangawit ‘yung [batok mo eh] at saka kung hindi ka marunong humawak nang tama, baka pwede mabali ‘yung [likod] mo.”
Jake Vargas as Jeyrick 'Carrot Man' Sigmaton in this Saturday's 'Magpakailanman'