Klea Pineda, inamin na ilang beses na siyang napaiyak ni Migo Adecer
Bakit kaya?
Bakit kaya pinapaiyak ni StarStruck Ultimate Male Survivor Migo Adecer ang kanyang kapwa StarStruck Ultimate Female counterpart na si Klea Pineda?
READ: Migo Adecer and Klea Pineda win 'StarStruck'
Ibang-iba ang pakikipagsalamuha ng MigLea sa isa’t isa dahil malakas daw asarin ng aktor ang kanyang ka-love team. Pagbuking ng aktres sa Mars, “Grabe po ‘yan mam-bully. Sobra po ‘yan! Ilang beses na po niya ako pinapaiyak.”
Ngunit para sa aktres, “The more you hate, the more you love" kaya kahit papaano nagkakasundo pa rin sila ni Migo lalong-lalo na't madalas sila magkasama sa mga projects.
Pinabulaanan naman ito ng aktor dahil tila petty daw ang kanilang pinag-aawayan. Nagbigay pa siya ng halimbawa,“Nagseselos siya sa [amin ni] Jomarie (Neilsen). Gusto niya si Jomarie eh pero gusto ko [rin] si Jomarie. Bromance talaga ‘yun! (laughs)”
Mapapanood sina Migo at Klea bilang sina Anthony at Muyak sa pinakahihintay na requel ng telefantasya na Encantadia.
MORE ON MIGLEA:
Klea Pineda wants to be a beauty queen like 'StarStruck' host, Megan Young
Migo Adecer looks forward to being part of 'Encantadia' remake after 'StarStruck' win