Sino ang nagpaiyak kay Ryzza Mae Dizon sa kanyang birthday celebration sa 'Eat Bulaga?'
Clue: Naging tutor siya ni Ryzza.
June 12 pa ang birthday ni Ryzza Mae Dizon pero binigyan na siya ng celebration ng kanyang Eat Bulaga family kanina, June 11.
Pagkatapos ng kanilang production number, sinorpresa ng Dabarkads si Ryzza with a video kung saan binabati siya ng mga kasama niya sa industriya.
LOOK: Celebrities wish Ryzza Mae Dizon a happy birthday
Ang pinakahuling lumabas sa video ay ang dating Eat Bulaga host na si Isabelle Daza, at hindi napigilan ni Aling Maliit na maiyak sa message nito sa kanya.
"To my baby girl Ryzza, happy, happy birthday. I'm so proud of you. Hindi lang dahil sa lahat ng mga na-accomplish mo in your work, in your career. But because you've remained a sweet and loving baby girl," Belle tells the birthday girl.
READ: Meet Ryzza Mae’s fab tutor
Kahit si Belle ay naiyak din habang nagbibigay ng mensahe. "Lagi mong tandaan that I love you and I'm always thinking about you. I know that you will grow up to be a very beautiful woman who will always take care of your family. I love you, happy birthday!"
MORE ON ISABELLE DAZA:
Isabelle Daza leaves a little gift for her 'Eat Bulaga' family