Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Eula Valdez at Christian Vasquez, muling magtatambal sa 'Calle Siete' kasama si Ryzza Mae Dizon

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: February 28, 2020, 09:33 PM

Malapit na malapit na nating makilala ang mga naninirahan sa Mabuhay Compound sa nalalapit na premiere ng comedy-drama series na Calle Siete ngayong Lunes, June 13. 

Ibang kuwento naman ang matutunghayan at iba’t ibang tauhan ang ipapakilala sa pinakabagong morning drama na Calle Siete na pangungunahan nina Princess in the Palace stars Eula Valdez at Christian Vasquez. 

 

Calle Siete malapit na!

A photo posted by eulavaldes (@eulavaldes) on


Bibigyang buhay ng Kapuso stars ang mag-asawang Sheila at Mark Sebastian na naninirahan sa Dubai at nagtatrabaho bilang spa attendant at physical therapist.
 
Nagdesisyon ang dalawa na umuwi na ng Pilipinas dahil sapat na ang kanilang ipon para makapagpatayo ng kanilang dream house at spa cum coffee shop.
 
Naunang umuwi si Sheila dahil expired na ang kanyang kontrata habang isang buwan pa bago makauwi si Mark dahil sinasanay niya pa ang kanyang kapalit sa trabaho.
 
Sinorpresa ni Sheila ang kanyang Lola Nitz na nagdiriwang ng kaarawan sa Mabuhay Compound kung saan siya lumaki kasama ang Mabuhay clan. Ngunit, nalaman niya ring malapit nang ilitin ng bangko ang kanyang kinalakihan kaya kinausap siya ng kanyang lola na bayaran muna ito.
 
Naisalba ni Sheila ang compound kaya siya na ang naging bagong owner nito. Ngunit, paano na ang kanilang dream house at pinapangarap na negosyo?
 
Tampok sina Ryzza Mae Dizon, Gloria Sevilla, Kenneth Earl Medrano, Patricia Tumulak, Lovely Abella, Rogelia ng Eat Bulaga kalye-serye at Taki, paano kaya silang pamamahalaan ng mag-asawa?
 
Malapit na malapit na nating makilala ang mga naninirahan sa Mabuhay Compound sa nalalapit na premiere ng comedy-drama series na Calle Siete ngayong Lunes, June 13 na papalit sa Princess in the Palace


MORE ON 'CALLE SIETE':
 
Eula Valdez drops a hint about 'Princess in the Palace' finale on June 10

Patricia Tumulak, sasabak na sa acting

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.