Patricia Tumulak, papayag ba mag-pose sa men's magazine?
Ngayong meron na siyang regular acting assignment, tanong ng press people kay HBD Girl Patricia Tumulak kung papayag na rin ba siyang mag-pose para sa men’s magazine.
Ngayong meron na siyang unang regular acting assignment, tanong ng press people kay HBD Girl Patricia Tumulak kung papayag na rin ba siyang mag-pose para sa men’s magazine.
Simula sa Lunes, June 13, mapapanood si Patricia sa bagong light comedy drama ng GMA na Calle Siete. Bagong karanasan ito para sa kanya lalo na at makakasama niya ang mga magagaling na artista tulad nina Eula Valdez, Christian Vasquez, Gloria Sevilla at Ryzza Mae Dizon.
Sambit niya sa panayam ng 24 Oras, “Medyo hindi pag nagsi-sink in lahat. Syempre kaba kasi wala pang workshop, pero ang role dito is natural lang. So, be yourself lang din.”
“Ang role, fitness instructor. Yoga instructor, minsan Zumba, promote ng healthy lifestyle and then, kikay,” pagpapakilala din niya sa kanyang karakter na si Patring.
Ayon sa ulat ni Lhar Santiago, sumang-ayon daw ang press people na bagay sa kanya ang gagampanang role dahil sexy at fit si Patricia. Hindi tuloy nila naiwasang usisain kung papayag bang mag-pose sa men’s magazine si HBD Girl?
Pahayag ni Patricia, “Never ko i-a-accept ‘yung kasi preschool teacher ako. My 5-year plan is to put up my own school. If ever man umexit ako dito, ang push ko pagtuturo.”
Sa katunayan, napa-practice niya ang pagtuturo king Baeby Baste at Ryzza.
LOOK: Ryzza Mae Dizon finds new tutor in HBD Girl Patricia Tumulak
“Ako ‘yung tutor nila in between breaks pag Eat Bulaga kaya tawag sa akin nila Baste, Teacher Pat. At least na-e-execute ko pa rin ‘yung pagtuturo ko sa dalawang bata nga lang,” sambit niya.
Video courtesy of GMA News
MORE ON PATRICIA TUMULAK:
WATCH:Patricia Tumulak, sumabak sa bagong high intensity interval training sa trampoline
LOOK: Patricia Tumulak spends time with Bae-by Baste outside 'Eat Bulaga'