Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Mocha Uson reacts on media boycott of Duterte: "Huwag na kayong bumalik ng Davao at last interview niyo na yan"

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: November 4, 2020, 08:46 AM

Maanghang at matapang ang naging pahayag ng singer na si Mocha Uson tungkol sa isyu ng pag-boycott ng media kay president-elect Rodrigo Duterte.

Maanghang at matapang ang naging pahayag ng singer na si Mocha Uson tungkol sa isyu ng pag-boycott ng media kay president-elect Rodrigo Duterte.

Last week, nai-ulat ng GMA News Online na may panawagan ang International Media Welfare at press freedom advocate na Reporters Without Borders na i-boycott si Mayor Duterte dahil sa kontrobersyal nitong pahayag tungkol sa media killings sa bansa. Hiningi rin ng grupo na mag-issue ang president-elect ng formal apology.

Sa isang post sa Facebook noong June 3, hinamon ng lead vocalist ng Mocha Girls ang mga taga-media na ituloy ang boycott laban kay Duterte. Sinabi rin niya na huwag na raw bumalik ang mga ito sa Davao.

“Totohanin niyo ang pag-BOYCOTT niyo kay Mayor. Ang challenge niya huwag na kayong bumalik ng DAVAO at last interview niyo na yan. Tignan natin kung sinong matira matibay.”

Nagpahayag din ang singer na buo ang suporta niya sa incoming president.

“Mayor huwag kang mag-alala kahit i-boycott ka nila nandito kaming mga OA na DDS para ikalat ang iyong magandang Programa. Handa kaming mamatay para sayo dahil alam naming handa kang mamatay para sa amin. Pinakita mo ito noong nasa Luneta kahit pinigilan ka na ng lahat ng mga adviser mo na huwag nang dumalo dahil may matinding banta sa buhay mo pero pumunta ka pa rin. Salamat po. Hindi kami magsasawang suportahan ka. ITAPON NIYO NAPO SA MANILA BAY ANG MGA CORRUPT NA MEDIA.”



MORE ON MOCHA USON:

Mocha Uson clarifies statement about VP-elect Leni Robredo: "Never ko sinabing nandaya si VP Leni"

Mocha Uson to VP-elect Leni Robredo: "Magbabantay kami sa'yo madam"

Actress Liza Diño may patama kay Mocha Uson?

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.