Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Actress Liza Diño may patama kay Mocha Uson?

By AEDRIANNE ACAR
Updated On: February 18, 2020, 02:25 PM

Liza wrote: "Do not assume the worst in one person and threaten to "remove her from office" gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon.”

Usap-usapan ngayon online ang post ni Liza Diño sa Instagram kahapon, May 29 na tila isang patama sa naging statement ng singer na si Mocha Uson patungkol kay Vice President-elect Leni Robredo.

READ: Mocha Uson to VP-elect Leni Robredo: "Magbabantay kami sa 'yo madam"

Matatandaan na sina Liza Diño at ang kanyang asawa na si Aiza Seguerra ay masugid na celebrity supporter ni Mayor Rodrigo Duterte noong nakaraang eleksyon.

 

My last selfie before Tatay Digong becomes my President??????????????????

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


Ayon sa post ni Liza, “Ok lang naman na magpahayag ng opinyon. Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government.”

Nagpaalala rin ang aktres na huwag daw agad mag-isip ng masama sa isang tao nang walang basehan.

“But let's not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion. Worse, do not assume the worst in one person and threaten to "remove her from office" gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon.”

Dagdag niya, “Speak for yourself and for yourself only. Ikaw yan eh. Opinyon mo yan. But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon especially ng mga sumusuporta kay Duterte.”

 

Ok lang naman na magpahayag ng opinyon. Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government. Marami naman talaga ang traumatized sa administrasyong Aquino kaya hindi natin masisisi na ilabas ng iba ang kanilang mga pangamba. But let's not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion. Worse, do not assume the worst in one person and threaten to "remove her from office" gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon. Speak for yourself and for yourself only. Ikaw yan eh. Opinyon mo yan. But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon especially ng mga sumusuporta kay Duterte eh parang hindi naman tama yun. Let us remain vigilant but let's work towards UNITY and hope for the best. The majority has spoken. Dapat ngayon, back to zero na tayo. Let's all start on a clean slate PILIPINAS. Tama na ang mga pagbabanta!! #du31 #positivephilippines

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


MORE ON MOCHA USON:

Mocha Uson clarifies statement about VP-elect Leni Robredo: "Never ko sinabing nandaya si VP Leni"

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.