WATCH: Gumagaya sa boses ni Regine Velasquez at iba pang singers, sikat online dahil sa pagkanta ng 'Tatlong Bibe'
Nagsusulputan ngayon ang trending videos ng iba't ibang versions ng nursery rhyme na 'Tatlong Bibe.' Watch Tammy Brown's version a la Regine, Jaya, Vina, and Lani.
Nagsusulputan ngayon sa Internet ang trending videos ng iba't ibang versions ng viral nursery rhyme na Tatlong Bibe at isa sa pinakamaingay ngayon ang nanggagaya sa boses ng Filipino singers.
Nakapanayam ni Aubrey Carampel sa 24 Oras ang may-ari ng videos na si Christopher Gonzales na mas kilala bilang Tammy Brown, ang kanyang stage name tuwing nagpe-perform sa comedy bars.
Kakaiba ang talento ni Tammy dahil kaya niyang gayahin ang boses ng sikat na Filipino singers tulad nina Vina Morales, Jaya, Lani Misalucha at ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.
"Since nag-viral nga 'yung nakakatuwang kanta na Tatlong Bibe, itinuwist ko. Since ginagaya ko 'yung favorite kong divas like si Regine, ako 'yung gumawa. Parang sila 'yung kumanta pero gamit 'yung boses ko," bahagi ni Tammy.
Narito ang iba't ibang versions ni Tammy gamit ang mga boses ng Filipino singers:
Regine Velasquez's version
Jaya's version
Vina Morales's version
Lani Misalucha's version
MORE ON TRENDING STORIES:
WATCH: Mahal's Musical.ly video, trending online
WATCH: A Pinoy's hilarious version of Charlie Puth's 'One Call Away' hits more than 1M views