Miguel Tanfelix, inamin na stalker siya ni Bianca Umali sa social media
Bukod kay Bianca, sino pa ang ibang showbiz crushes ni Miguel?
Halos araw-araw magkasama ang Kapuso teen stars na sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali dahil sa kanilang pinagbibidahang soap na Wish I May ngunit hindi iyon sapat para sa aktor.
Aminado si Miguel na sinusundan niya ang dalaga hanggang sa social media. Ayon sa binata, stalker rin daw siya pati ng ka-look-alike ng aktres na si Kendall Jenner, “Nakikita ko kasi ang resemblance nila ni Bianca.”
Kinilig naman ang young actor nang banggitin sa Mars ang pangalan ng Batman v Superman: Dawn of Justice lead star na si Gal Gadot, “Recently napanood ko ‘yung [movie tapos] nakita ko si Wonder Woman si Gal Gadot. Sobrang ganda niya.”
Pasok rin sa listahan ng teen actor ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera dahil sa family, fashion, and lifestyle posts nito.
MORE ON BIGUEL:
BiGuel, may pet name sa isa't isa
BiGuel goes to Baguio