Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Direk Caesar Cosme, Gladys Guevarra, at Sef Cadayona, ang mga judges ng 'Laff, Camera, Action'

By CHERRY SUN
Updated On: October 31, 2020, 04:30 AM

Mapapanood na ang Laff, Camera, Action! tuwing Sabado ng hapon simula May 28. 

Isang kakaibang viewing experience ang matutunghayan sa pagdating ng 
pinakabagong improvisational comedy game show na Laff, Camera, Action! at tampok sa programa ang tatlong personalidad na seryoso sa pagpapatawa.

Sina Direk Caesar Cosme, Gladys Guevarra at Sef Cadayona ang magsisilbing judges sa Laff, Camera, Action!

IN PHOTOS: At the launch of Laff, Camera, Action!

Direk Caesar Cosme
Hindi matatawaran ang husay at kaalaman ng batikang comedy director and writer na si Direk Caesar. Sa higit tatlong dekada ng kanyang karanasan pagdating sa entertainment, mataas ang pagtanaw niya sa komedya.  

Pahayag niya sa ekslusibong panayam ng GMANetwork.com, “It requires a certain level of IQ to do comedy. Marami kang hindi maiisip na magagawa pag mababa IQ mo.”

“Katulad ng comedy na written form, maraming nakapaloob doon. Eh kung ‘yung artista hindi rin mataas ‘yung IQ, hindi naman lahat mafi-feed mo sa kanya what to do. Dini-discern niya ‘yun, binabasa niya, ini-interpret niya what’s written. Para niya ma-execute artistically and funnier, it requires a center level of humor quotient,” paliwanag niya.

Bilang isa sa mga hurado ng Laff, Camera, Action! ay dapat daw asahan ng mga contestants ang mga kritiko mula sa kanya.

Aniya, “Parang kinuha nila ako dito dahil parang brutal yata ako. Brutally frank ang aking mga assessments. Hindi ako plastic eh.”

Gladys Guevarra
Ibang atake naman sa komedya ang dala ni Gladys bilang isa sa mga judges ng programa.

Kuwento niya, “Kino-consider nila na I’m one of the artists na nagla-live show ako so for them ‘yung judgment ko daw ay magma-matter. Thankful naman ako na isa ako sa napili na mag-judge ng mga sasali sa contest na mga nakakasama ko na rin sa live show.”

Kahit madalas mapanood bilang si Chuchay, masasabing ito raw ang kanyang unang pormal na pagbabalik sa telebisyon. Bahagi niya, excited daw siya at maraming kaabang-abang sa bagong konsepto ng Kapuso show.

Pahiwatig niya, “Bigla na lang kaming mapapasama sa mga eksena kasi nga improvisation eh. Impromptu ‘yan, you’ll never know. 'Etong mga technical dry run namin, doon pa lang ang saya na namin 'eh kaya ano na lang ‘yung mga biglaang pwede kaming sumabak doon.”

Sef Cadayona
Isa si Sef sa mga mas nakababatang komedyante sa industriya ngayon. Bahagi niya, itinuturing daw na mahalaga ang kanyang fresh ideas tungkol sa pagpapatawa.

“Nakakatuwa na binigyan ako ng opportunity ng GMA na they trust me well enough to be a judge and to share my thoughts on how I see the show. Nakakatuwa ‘yung ganung pagbibigay nila ng trust at saka ng confidence sa akin,” bahagi ng aktor.

Bilang isa sa judges, siya rin ang magiging boses ng mga manonood.

Ani Sef, “Napupunta sa akin ‘yung responsibility na kung ano nararamdaman ng tao sa likod ng TV na nanonood. Ganoon ko gusto ibigay ‘yung mensahe doon sa mga contestants. Kumbaga mood booster [but] still it incorporates me judging them based on siyempre sa piyesa nila.” 

Mapapanood na ang Laff, Camera, Action! tuwing Sabado ng hapon simula May 28. 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.