Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Sheena Halili at Betong Sumaya, may halong kaba at excitement sa pagbida sa 'Laff, Camera, Action!'

By CHERRY SUN
Updated On: February 18, 2020, 02:30 PM

"Alam naming pareho ni Kuya Betong na ang laki-laki ng project na nito. Parang sinasabi nga namin, ‘Totoo ba ‘to?’” - Sheena

 

Hindi inasahan nina Sheena Halili at Betong Sumaya na sila ang mapipili na maging bida at hosts sa pinakabagong improvisational comedy game show na Laff, Camera, Action! Magkahalong kaba at excitement daw ang kanilang nararamdaman sa malaking proyektong ipinagkaloob sa kanila ng Kapuso network.

Aminado ang tambalang BetSheen na ayaw nilang isipin kung gaano kalaki ang trabahong ipinagktiwala sa kanila para maka-focus sila sa kanilang pagpapatawa.

READ: Sheena Halili at Betong Sumaya, babaguhin ang Saturday afternoon habit sa pamamagitan ng Laff, Camera, Action! 

Sambit ni Sheena sa exclusive interview ng GMANetwork.com, “Actually ayaw ko talaga isipin na big project siya para hindi rin ako mabigatan at hindi rin ako ma-pressure. Gusto ko lang din talaga siya i-take din ng light kahit na alam naming pareho ni Kuya Betong na ang laki-laki ng project na ito. Parang sinasabi nga namin, ‘Totoo ba ‘to?’”

“Lahat naman ay nabibigyan ng chance, siguro this time, kami ni Sheena. Pero kung titignan mo din ‘yung ibang comedians natin sa GMA, ang dami naman din nilang shows din. Siguro nagkataon lang na ito ‘yung show na na-assign sa amin ni Sheena,” dugtong naman ni Betong.

May magkahalong pakiramdam daw na dala ang panibagong hamon sa kanila bilang mga komedyante.

Amiando si Betong na kahit matagumpay ang kanyang pagganap sa mga nakakatawang roles ay kinakabahan pa rin siya. 

Aniya, “Sa akin feeling ko pag walang kaba, mas lalong nakakatakot kasi parang sobrang kampante. Hindi naman ‘yung kabadong kabado, pero kung may kaba ka, merong space na pagbutihin mo ‘yung craft mo, pagbutihin mo ‘yung ginagawa mo.”

Naniniwala naman si Sheena na ang pagiging natural nila ang tutulong na magdala ng programa.

“Ang hinihingi lang po nila sa akin, bilang Sheena Halili dahil nga po ito ay hindi nga po ito scripted. Pinili po nila kami based lang po talaga sa personality namin. Feeling ko alam naman po talaga nila kung hanggang saan po ako bilang komedyante, bilang artista. Happy din po ako dahil bagong opportunity, bagong door na nag-open sa akin,” pahayag niya.

MORE ON #BetSheen:

Betong Sumaya and Sheena Halili bring happier weekends via Laff, Camera, Action!

#LOL: Betong Sumaya, among the 15 Kapuso celebrities who reinvented comedy

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.