Neil Sese is going to Cannes!
Pagkatapos ng isang fundraising effort, makakadala ang aktor sa prestisyosong film festival.
Dalawang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang movement na "Help send Neil Sese to Cannes"! Layunin ng movement na ito na makalikom ng sapat na halaga para mapadala ang aktor na si Neil Ryan Sese sa France upang makadalo sa Cannes Film Festival kung saan kasali ang pelikulang "Maria Rosa" na kinatatampukan niya.
April 30, bisperas ng araw ng birthday ni Neil nag mag-post ito sa kanyang Instagram account ng kanyang birthday wish at ito ay ang walang iba kundi ang makadalo sa prestihiyosong film festival. Simple lang ang mechanics ng movement: bumili ng T-shirt na nagkakahalaga ng P500. Kailangan maka-ubos ng 140 shirts para matustusan ang airline ticket at iba pang kakalanganin ni Neil sa kanyang biyahe.
Hindi naman nabigo ang aktor at maraming mga kaibigan sa industriya ng sining ang nag-bigay ng tulong.
At ngayon, May 11, buong pusong nagpapasalamat si Neil sa lahat ng tumulong upang matupad ang kanyang pangarap niya.
Bon voyage, Neil!