Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Camille Prats, nangbato ng laptop sa sobrang galit

By BEA RODRIGUEZ
Updated On: February 21, 2020, 10:19 PM

Bakit naging "beast mode" si Camille?

Naranasan na ng Kapuso star na si Camille Prats ang maging “beast mode” nang umabot siya sa kanyang boiling point sa sobrang galit.

 

Black and white separates from @go_lavish_cdg ?? #CamilleWearsWhat

A photo posted by Camille Prats (@camilleprats) on

 
Bilang parte ng kanilang chikahan sa Mars Sharing Group, naitanong ng kanyang co-host na si Suzi Abrera kung ano na raw ang kanyang pinakamalalang nagawa dahil sa sobrang init ng ulo.
 
“Nangbato ako ng gamit,” kuwento ni Mars Camille. Dagdag pa niya, “After nun, na-realize ko, ‘Oh my gosh, I’m such a monster.’”
 
Ikinuwento niya pa kung bakit niya nagawa iyon, “‘Yung feeling ko noong nangyari ‘yun, patong-patong na siya tapos [punong-puno na ako], parang ‘yung feeling ko taon na siyang inipon. Isang trigger lang ng ganun, [nag] beast mode [na ako at] next thing I know, lumilipad na ‘yung laptop.”
 
Pinagsisihan daw naman niya ito, “‘Yung regret as soon as I let go of it, ‘Bakit ko ginawa ‘yun?’ tapos naisip ko, ‘Oh my gosh, kung nagagawa ko ‘tong nangbabato ako, ano na ang susunod na ibabato ko at sino na ang tatamaan?’ So never again.”
 
“[Sa] awa ng Diyos, wala pa naman akong nabatuhan. Hindi rin kasi ako masigaw eh [at] ‘di rin ako ma-confront [kaya] feeling ko doon na lumabas lahat,” pagtatapos ng aktres.

MORE ON CAMILLE PRATS:

Camille Prats graces cover of work-life magazine

Camille Prats's second shot in showbiz

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.