Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Paolo Contis, handa na ba mag-settle down with LJ Reyes?

By CHERRY SUN
Updated On: February 21, 2020, 03:15 PM

Ano'ng katangian ni LJ ang nagustuhan ni Paolo?

Sa panayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras ay nagbigay na ng pahayag si Paolo Contis tungkol sa nababalitang relasyon nila ni LJ Reyes. Sa parehong ulat ay nagkuwento rin siya tungkol sa kanyang mga plano kaugnay ng kanyang love life at mga anak.

Nais pa rin ni Paolo na manatiling pribado kung ano man ang namamagitan sa kanila ng Kapuso actress, ngunit mapapansing masaya at kuntento siya sa kanilang relasyon.

Paliwanag niya, “Para sa akin naman, kahit public figure naman kami, meron pa rin namang puwedeng itirang personal sa atin.”

“One thing that I love about her is she’s a great mother. So, malaking bagay sa akin na nakikita ko ‘yun and sobrang mahal niya pamilya niya,” dugtong din ng aktor.

READ: Paolo Contis calls LJ Reyes “love”

Ibinalita rin ni Paolo na maayos din ang kalagayan ng kanyang mga anak sa dati niyang asawa na si Lian Paz.

“My kids are okay. I saw them last month. Hopefully I can see them before the school starts. Dadalaw ako ulit sa Cebu,” aniya.

May plano na rin ba sina Paolo at LJ na magsimula ng sarili nilang pamilya?

“Darating ‘yung blessing na ‘yun. Darating din tayo doon. Marami pa kailangan ayusin sa buhay siyempre,” sambit niya.  

Video courtesy of GMA News

MORE ON PAOLO CONTIS:

VIRAL: ‘Galawang Hokage’ ni Paolo Contis kay Kim Domingo sa ‘Bubble Gang,’ patok online

WATCH: Paolo Contis and Roadfill ng ‘Bubble Gang’ do a duet of Sam Smith’s ‘I’m Not The Only One’ 

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.