Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Naging mag-on nga ba si Angelu de Leon at Bobby Andrews?

By GIA ALLANA SORIANO
Updated On: February 27, 2020, 06:15 PM

Diretsahan naman ang naging sagot ng dalawang artista patungkol sa totoong namagitan sa kanila.

Nang bumisita ang ilang cast ng dating sikat na sikat na programang Thank God It's Sabado o TGIS sa Tonight with Arnold Clavio, natanong ng host ng programa na si Igan sina Angelu de Leon at Bobby Andrews kung naging magkasintahan ba ang dalawa?

Agad naman sumagot si Ciara Sotto para sa dalawa, “Oo naman.” Natawa lang si Angelu sa biglang pagsagot ni Ciara, aniya:  “Parang ikaw lang nakakaalam.”

Inamin naman ni Angelu na hindi nga naging sila ng kanyang former ka-love team. Inilarawan pa niya ang kanilang relationship bilang “more than friends but less of a lover” daw. Ika niya, Lagi namin 'yan sinasabi. Para kaming soulmates pero hindi umabot sa ganun.”

Pinaliwanag pa ni Bobby, “Kasi siguro ang bata pa ni Angelu noon, at saka sobrang strict ng mommy niya.”

MORE ON ANGELU DE LEON:

Angelu de Leon, nagpasalamat sa 'Buena Familia' viewers

Angelu de Leon, teary-eyed sa Parent-Daughter dialogue ng anak na si Loise
 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.