Maine Mendoza thanks AlDub Nation for an awesome 9th monthsary celebration
9 million tweets ang regalo ng AlDub Nation kina Maine at Alden.
Taos-puso ang pasasalamat ng AlDub actress na si Maine Mendoza sa napakagandang selebrasyon ng 9th monthsary nila ng kaniyang on-screen partner na si Alden Richards.
Sa katunayan nag-tweet ang magandang dalaga sa mainit na supporta ng mga AlDubarkads sa Twitter kahapon (April 16).
Wow! Hindi niyo naman kailangan gawin pero maraming salamat, ADN! Happy 9th! Still got a long way to go! https://t.co/RFi8veLkE8
— Maine Mendoza (@mainedcm) April 16, 2016
9 MILLION TWEETS.
— ALDUB PHILIPPINES™ (@ALDUBPILIPINAS) April 16, 2016
9 MILLION SIGNS OF GRATITUDE FOR THE JOY ALDUB HAS GIVEN US!#ALDUB9thMonthsary pic.twitter.com/tr5fdvpYaO
Hindi rin tuloy maiwasan ni Maine na mag-reminisce nang una niyang makita ang Pambansang Bae.
We were both young when I first saw you..
— Maine Mendoza (@mainedcm) April 16, 2016
True enough. #ALDUB9thMonthsary
Inassure naman ni Alden ?si Maine na 100 percent ang kaniyang suporta sa kapareha para sa nalalapit nilang solo movie. Pormal na kasing inanunsyo sa Eat Bulaga last Saturday, April 16 ang big movie project ng AlDub.
Ito na ang pangalawang pelikula nina Maine at Alden. Una silang nagtambal sa Metro Manila Film Festival entry na My Bebe Love kung saan kasama nila si Bossing Vic Sotto at Philippine Queen of Comedy Aiai Delas Alas.
MORE ON ALDUB: