Pagpasok ni Kristoffer Martin sa 'Because of You,' nakaapekto nga ba sa love team nina Joyce Ching at Enzo Pineda?
Kuwento ni Joyce, isa sa mga nakikita niyang struggle sa pagtambal sa kanila ni Enzo ay ang kanilang age gap.
Natuwa ang fans nina Kristoffer Martin at Joyce Ching nang malamang muling mabubuo ang love team ng kanilang mga idolo sa primetime series na Because of You.
READ: Kristoffer Martin joins 'Because of You' as Onat
"Natuwa sila, sobrang na-excite sila. Noong hindi pa sila masyadong sure, nang hindi pa confirmed, marami ang nagtu-tweet na 'Hala, si Kristoffer kaya?' Tapos nang lalabas na talaga officially si Onat, ayun sobrang excited nila," kuwento ni Joyce.
READ: Joyce Ching, bumait sa 'Because of You' dahil kay Kristoffer Martin?
Pero kasabay ng pagpasok ni Kristoffer sa teleserye ay ang unti-unting pagkawala ng team up nila ni Enzo Pineda, who plays Sonny.
"Feeling ko po nahirapan sila kung paano ipu-push 'yun sa amin ni Enzo. Kasi nung start pa lang, bad influence na siya sa akin. Eh masama rin ang ugali ko. Put us together, masama kami parehas (laughs)."
Aniya, isa sa mga nakikita niyang struggle sa pagtambal sa kanila ni Enzo ay ang kanilang age gap.
"Kasi kami ni Kristoffer, any time naman na pagtrabahuhin kami together, parang okay kami. Comfortable kami sa isa't isa. So siguro 'yung kay Enzo, ang naging struggle lang namin, malayo 'yung age gap. So parang nagkakapaan pa kami. At saka ngayon lang kami nagkatrabaho tapos biglang love team. Nahirapan kami kasi wala pa talaga kaming nabi-build na sobrang okay at close na relationship."
READ: 'Because of You' is "a wonderful experience" for Enzo Pineda
Kahit matagal na silang magkaibigan ng binata, hindi daw sila masyadong nagkakaroon ng chance mag-bonding.
"Madalang lang kami magkasama sa set kasi hiwalay ang standby area ng boys and girls. Nagkikita lang talaga kami kapag take na. So wala kaming masyadong time na magkuwentuhan talaga about life. Pero okay naman kasi friends din naman kami."