Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Bea Binene, pinuri dahil sa kanyang pagganap bilang feral child

By CHERRY SUN
Updated On: November 7, 2020, 04:53 PM

Inuulan ng papuri si Bea dahil sa kanyang pagganap bilang isang feral child sa 'Hanggang Makita kang Muli.'

Inuulan ng papuri ang Kapuso actress na si Bea Binene dahil sa kanyang pagganap bilang isang feral child sa Hanggang Makita Kang Muli. Abot-abot din ang pasasalamat niya dahil ito na raw ang pinaka-challenging niyang karakter sa kanyang buong showbiz career.

Ang kanyang karakter na si Ana o Angela ay lumaki sa piling ng isang aso. Kaya naman, gayang-gaya ni Bea ang astang hayop mula sa pagtahol, paghingal at hanggang sa pagtakbo.

“Iba ‘yung state of being mo, iba ‘yung the way you think, the way you move. Ibang iba eh,” bahagi niya sa panayam ng 24 Oras.

Bumalik sa pagwo-workout si Bea bilang paghahanda sa kanyang karakter. Maliban dito, pinag-aaralan din niyang mabuti ang takbo ng kuwento.

“Ang pag-aaral daw ng script hindi lang basta babasahin mo eh, hindi lang basta ha-highlightan mo ‘yung mga dialogue mo eh. Kumbaga aaralin mo siya, itsa-chop-chop mo siya dialogue by dialogue. Tapos isusulat ko doon sa gilid ‘yung dapat na emosyon,” paliwanag ng aktres.

Sa sobrang husay ni Bea sa kanyang pagganap, nadadala na rin ng emosyon sa mga eksena ang kanyang leading man na si Derrick Monasterio.

“Diyan mo makikita ang isang aktres eh na ‘yung kahit na anong roles na ibigay sa ’yo, magaling ka pa rin,” ani Derrick.

Ano pa kaya ang dapat abangan sa Kapuso afternoon prime na Hanggang Makita Kang Muli?

Pahiwatig ni Bea, “Ngayong hindi na sila magkasama ni Odessa, marami pa ring mang-aapi sa kanya.”


Video courtesy of GMA News

MORE ON BEA BINENE:

READ: Raymart Santiago, saludo kay Bea Binene

Bea Binene, kinaawaan ng mga netizens sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Rita Avila, naiintindihan ang pressure kina Bea Binene at Derrick Monasterio sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.