Marian Rivera drops hints about her new talk show online
Excited na ba kayo mga Kapuso?
Maraming DongYan fans ang looking forward sa pagkakasama ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa groundbreaking telefantasya series na Encantadia.
Una nang inanunsyo ng Kapuso network na gaganap si Marian bilang Ynang Reyna. Bukod sa Encantadia, sinabi na rin ng Kapuso actress na gagawa siya ng talk show.
Ayon sa report ng GMANetwork.com, maraming kapupulutang aral ang mga Kapuso natin sa pinakabagong programa ni Marian Rivera.
Ani Marian, "Magkakaroon ako ng talk show kung saan ko mabubuhos 'yung mga nalalaman ko at na-experience ko bilang bagong ina."
Kaya naman na-curious tuloy ang mga Kapuso netizens matapos i-post ng celebrity mom sa Instagram ang tila patikim sa pinakabago niyang project sa GMA-7.
Ano ang nais mong itanong? #Marian #Mrs.D
A photo posted by Marian Rivera Gracia Dantes (@therealmarian) on
Nag-post din ang kanyang fan club na The Dongyanatics ng isang teaser.
MORE ON MARIAN RIVERA:
LOOK: Marian Rivera dresses in all the colors of the rainbow
Hot mommy Marian Rivera, bares her secret to staying fit and sexy