WATCH: HBD girl Patricia Tumulak, sumabak sa bagong high intensity interval training sa trampoline
Simula nang magpakitang-gilas si HBD girl Patricia Tumulak sa aerial silk para sa kanyang buwis-buhay at pigil-hiningang performance sa ‘EB Dabarkads Pa More’ segment ng Eat Bulaga, nahumaling na siya sa mga fun fitness activities.
Kwento niya, “Doon nagstart ‘yung hilig ko na i-try something new ‘yung mga workouts. After ko magsilk and then hoop training, ni-try ko rin magtrapeze.”
WATCH: HBD girl Patricia Tumulak finds new love in flying trapeze
Sa ulat ng 24 Oras kahapon (March 15) ay ipinakitang may bagong workout na sinubukan si Patricia, ang high intensity interval training sa trampoline.
A video posted by @patty_push on
“Sobrang okay siyang workout, at saka bago and it’s fun. Perfect siya for summer para ready na mag-beach ‘di ba. Kaya pa humabol,” sambi niya.
Pero kahit man beach-ready na si Patricia, stay-cation ang plano niya para sa long weekend ngayong darating na Holy Week.
Bahagi niya, “Sa bahay lang with the family. ‘Yun ‘yung vacation ko para magdasal kasama ang pamilya ko.”
Video courtesy of GMA News