Jaclyn Jose believes Andrea Torres can be a great actress
"Si Andrea... kahit wala sa kanya 'yung camera umaarte, doon ako nagulat." - Jaclyn Jose
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Mainit ng inaabangan ng mga Kapuso ang pagtatapat ng veteran actress na si Jaclyn Jose at Kapuso leading lady Andrea Torres sa pinakabagong GMA Aftenoon Prime soap na, The Millionaire's Wife.
Gananap si Ms. Jaclyn bilang si Stella Vergara Montecillo, ang spoiled unica hija ni Alfredo Montecillo na magiging tinik sa buhay ni Louisa, ang karakter na bibigyan buhay ni Andrea.
Sa panayam ng entertainment press kay Ms. Jaclyn sa press con ng The Millioniare's Wife last week, kinamusta ito kaugnay sa kanyang working experience kasama ang Kapuso actress.
Kuwento ni Ms. Jaclyn, "Si Andrea, okay. Alam mo, tama 'yung sinabi ni Mike Tan, she will make you feel comfortable, kahit wala sa kanya 'yung camera umaarte, doon ako nagulat."
Bilib din ang veteran star sa professionalism at attitude ni Andrea every taping. Hindi din daw impossible na maging magaling na aktres si Andrea.
Paliwanag niya, "Kasi usually 'yung iba, wala naman sa akin eh, pabor naman sa'yo eh. Pero ganun pa rin 'yung acting niya. She's willing to be a great actress and she can be one you know. Nasa mukha, nasa attitude napakabait na bata at babae. Masunurin sa magulang."
Tumutok mga Kapuso sa pinakabagong teleserye sa hapon na pagbibidahan ng 'Bubble Shaker' na si Andrea Torres at StarStruck hunk Mike Tan sa The Millionaire’s Wife, weekdays pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli.
MORE ON THE MILLIONAIRE'S WIFE: