Ina Raymundo reveals reason why foreigners make perfect husbands
Bakit nasabi ni Ina na hindi bagay ang isang Pinoy na asawa para sa kanya?
Umamin ang sexy mom na si Ina Raymundo na hindi siya bagay makapag-asawa ng isang Pinoy.
Sa interview sa kanya ng entertainment press sa presscon ng pinakabagong GMA Afternoon Prime soap na The Millionaire’s Wife, binanggit ni Ina ang ilan sa mga dahilan kung bakit mas swak ang personality niya sa isang foreigner.
Paliwanag ng aktres, “Nag-ko-compliment eh, kasi hindi sila seloso lalo na kapag feisty ‘yung personality mo. Hindi talaga puwede ako, I can’t imagine being married to a Filipino, kasi ‘yung personality ko strong 'tsaka iba. Basta mas nag-ko-compliment ako.”
Kasal si Ina sa Canadian-Ukranian businessman na si Brian Poturnak at tumagal na ang kanilang pagsasama ng mahigit sa labindalawang taon.
Diretsahan din sinagot ng sexy star ang tanong ng press kung ang mga foreigners ba ay nagkakaroon din ng mga mistress.
Aniya, “Para sa kanila sakit ng ulo 'yun. Siguro ‘yung mga naughty. they go for one night stand, ‘yung no strings attached. Hindi ‘yun babahayin.”
Dagdag niya, hindi rin daw siya makakapayag na magkaroon ng kahati sa kaniyang husband.
“'Tsaka hindi uubra sa akin ‘yung mag-mi-mistress ka, hindi talaga. Marami sa Pinay ganun tinatanggap lang nila.”
MORE ON INA RAYMUNDO:
Ina Raymundo's amazing family of 7
Ina Raymundo recalls how her husband realized that she was the one