Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Juancho Trivino reacts to the issue that he's being neglected by GMA

By AL KENDRICK NOGUERA
Updated On: October 17, 2020, 01:04 PM

Nilinaw ni Juancho Trivino ang isyu tungkol sa diumano'y pagpapabaya sa kanya ng Kapuso network. Narito ang kanyang pahayag.

 

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Bumisita ang GMANetwork.com sa set ng Little Nanay kasama ang ilang entertainment bloggers kamakailan. Pinaunlakan kami ni Kapuso actor Juancho Trivino sa isang interview at naitanong ng isang blogger sa kanya ang umano'y isyu tungkol sa pagpapabaya sa kanya ng GMA.

EXCLUSIVE:  At the set of 'Little Nanay'

"I don't think I'm underrated. I don't feel neglected. Nafi-feel ko nga na-a-appreciate nila 'yung work ko, my craft, and 'yung pagkalawak ng mga kaya kong gawin," mabilis na sagot ni Juancho.

Hindi raw totoo ang isyu na ito. Sa katunayan nga raw ay natutuwa siya sa Kapuso network dahil hindi siya napapabayaan pagdating sa projects. Aniya, "Nabibigyan ako ng projects ng GMA. Hindi ako nababakante nang sobrang tagal. Sunod-sunod eh. So I'm very happy."

Taong 2012 nang pumasok si Juancho sa industriya. Naging mainstay siya ng weekly youth-oriented show na Teen Gen at nang matapos ito, agad siyang napabilang sa cast ng Bubble Gang. Nakasama rin siya sa remake ng Villa Quintana at naging isa sa leading men sa InstaDAD. At ngayon, ginagampanan niya naman ang role ni Bruce sa Little Nanay.

"I feel blessed. I'm very happy pero siyempre pressured din kasi every project, kailangan iba 'yung dating ng certain character so I have to be at my best all the time," ani Juanco.

Dagdag pa niya, kahit daw supporting role lang siya sa Little Nanay ay wala raw itong problema sa kanya.

"Ako I love my character. Gustong-gusto ko 'yung production team na 'to so wala talaga akong mairereklamo sa kahit ano na ipagawa nila sa 'kin. Kasi ako personally, this is my first primetime so ego aside, I'm very happy with everything that's happening sa Little Nanay," pagtatapos niya.

MORE ON JUANCHO TRIVINO:

Juancho Trivino receives gift with sweet farewell message from Kris Bernal

Juancho Trivino gets longtime wish

Juancho Trivino's FB page gets verified

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.