Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Hamon para kay Laurice Guillen ang pambihirang kuwento ng 'Hanggang Makita Kang Muli'

By MARAH RUIZ
Updated On: August 17, 2020, 04:23 PM

Inihambing ni Direk Laurice Guillen ang 'Hanggang Makita Kang Muli' sa kuwento ni Tarzan. 

Isang hamon daw para sa direktor na si Laurice Guillen ang kakaibang kuwento ng pinakabagong GMA Afternoon Prime drama na Hanggang Makita Kang Muli.

Iikot ang kuwento kay Ana, na gaganapan ni Kapuso actress Bea Binene, isang feral child o isang taong asal-hayop dahil tumandang walang kapiling na ibang tao.

"'Di ba sinasabi, pinakamahirap sa lahat i-direct ang hayop. Pagkatapos, next doon 'yung bata. Eh meron kaming hayop at meron bata. Okay na 'yung bata pero may hayop pa din! Ang hirap kasi gusto ko na kung ano 'yung nasa script, makikita ko sa eksena," panimula ng batikang direktor.

Kilala si Direk Laurice sa pagiging mabusisi sa pagdidirehe ng mga aktor. Nire-require niyang laging handa ang mga artista pagdating nila sa set kaya challenge para sa kahit sinong aktor ang makatrabaho siya.

Ngunit aminado si Direk Laurice na pati siya ay nacha-challenge sa takbo ng istorya ng Hanggang Makita Kang Muli dahil hindi karaniwan ang kuwento ng isang feral child sa Pilipinas.

"That's the part that is partly imagination. Kasi 'di ba tayo noon, tinanggap ko si Tarzan. Eh kung isipin mo mas malala 'yun kasi sanggol pa lang si Tarzan noong kinupkop siya ng ape. Eh 'di dapat hindi na natuto ng [pagsasalita] 'yun. Kung si Tarzan nagawan ng paraan na matanggap ng audience niya, we have to find a way na matanggap ng audience ito," paliwanag niya.

WATCH: Paano nawala si Ana?

Ayon kay Direk Laurice, iba naman daw kumpara sa kuwento ni Tarzan ang kanilang istorya dahil nakakapagsalita naman ng kaunti si Ana.

"Sa mga na-encounter namin sa research, wala ni isa sa kanilang successfully nakabalik sa socially normal human life. But in our story hindi ganun. It may not be probable but it is not impossible," pahayag niya.

Abangan ang Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Wish I May sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON 'HANGGANG MAKITA KANG MULI':

Bea Binene nagpasalamat sa suporta ng mga fans sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Ina Feleo, masaya sa kanyang role sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.