Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Heart Evangelista at Dennis Trillo, balik-tambalan sa 'Juan Happy Love Story'

Updated On: February 25, 2020, 10:57 AM

Gaganap ang dalawa na mag-asawa sa bagong GMA rom-com.

By MARAH RUIZ

Ang GMA fantaseryeng Dwarfina ang huling tambalan nina Dennis Trillo at Heart noong 2011.

Ngayong taon, balik tambalan ang dalawa sa upcoming GMA rom-com na Juan Happy Love Story.

Medyo sexy at naughty na love story na may halong comedy ang magiging takbo ng kuwento.

READ: Heart Evangelista celebrates 18th anniversary in show business

"Maganda siya kasi you know, matagal na din kaming umiiyak sa TV. Ito naman, masaya! And masaya kaming mga tao so bagay," kuwento ni Heart kay Aubrey Carampel para sa 24 Oras.

"Magaan 'to kumpara sa huli kong show na puro iyakan. Ito naman mas pilyo, mas makulit lang 'yung character," pagsang-ayon naman ni Dennis.

Gaganap si Dennis bilang si Juan, isang babaerong business-minded. Si Heart naman ay si Happy, simple at masayahin. Magkaiba man sila, matututo nilang mahalin ang isa't isa at magpapakasal.

Dahil gaganap sila bilang mag-asawa, hindi naman maiiwasang magkaroon ng mga kissing scenes. Hindi ba ito magiging awkward, lalo na't mabuting kaibigan ni Heart ang rumored girlfriend ni Dennis na si Jennylyn Mercado?

"Okay lang naman. Trabaho lang naman, diba?" agad na sagot ni Dennis.

Hindi naman naiwasan ni Heart na tuksuhin si Dennis.

READ: Dennis Trillo, hindi makapaniwala na siya ang kauna-unahang winner ng Lip Sync Battle Philippines

"Kayo na ba ni Jen? Gaano katagal na kayo ni Jen?" tanong ni Heart matapos kunin ang microphone at aktong iinterbyuhin ang aktor.

"Matagal na kaming magkaibigan," matalinghagang sagot naman ni Dennis.

Abangan sina Heart at Dennis sa Juan Happy Love Story, malapit na sa GMA Telebabad.

MORE ON HEART EVANGELISTA:

READ: Heart Evangelista on her 30s

READ: Heart's message to young aspiring artists

MORE ON DENNIS TRILLO:

READ: Dennis and Jennylyn, spotted in Batanes

READ: What is Dennis' idea of a perfect Valentine's date? 

 

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.