Saan humuhugot si Eugene Domingo ng kanyang mga advice?
Bilang mukha at pangalan ng Dear Uge, talagang naging takbuhan na rin ng mga netizens para sa mga payo si Eugene Domingo. Pero, saan nga ba humuhugot ng kanyang mga advice si Uge?
READ: Eugene Domingo, hinihingan ng love advice ng mga netizens
Bahagi ni Eugene na kapag usapang puso ay hindi na siya lalayo dahil mula sa kanyang personal na karanasan ang kanyang words of wisdom. Aniya, "Minsan kung halimbawa nakaka-relate talaga ako like you know seeking for love, finding the right person for you, trusting your partner, 'yung hoping for forever, sa akin na 'yun. Hugot na sa akin 'yun."
READ: Eugene Domingo, handa na magka-love life?
Marami rin daw siyang natutunan mula sa kanyang mga kaibigan at mga taong nakapaligid sa kanya.
"Sa iba naman, siguro 'yung mga naririnig kong kwento ng mga closest friends ko, kukuha ako ng mga parang hugot. Sa totoo lang kumbaga, 'yung mga taong nakakasalamuha ko araw-araw because I believe lahat ng tao may interesting story. Sometimes the stories of other people are more interesting than mine," sambit ni Uge.
"That's why I love listening to the stories of other people. Walang istorya na walang kapupulutan ng aral at katatawanan because that's how we survive. We laugh to survive," wika niya.