Pauleen Luna reveals that acceptance is the key to making a relationship work
"Accept him for who he is, kung ano 'yung mga napagdaanan niya sa buhay. Tapos na 'yun, accept it so you can move forward." - Pauleen Luna
By AEDRIANNE ACAR
Photo by: @PauleenJLuna (TW)
"Acceptance is the key."
Ito ang simpleng sagot ni Pauleen Luna sa tanong ng Kapuso news anchor Jessica Soho sa tanong na ano ang maipapayo niya sa mga couples nasa pareho nilang sitwasyon ni Bossing Vic Sotto. Ang tinutukoy ni Ms. Jessica na sitwasyon ay ang malaking age difference nilang dalawa.
Naganap ang one-on-one interview kagabi, (January 28), sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Paliwanag ni Pauleen, "I think acceptance is really the key. With Vic, he has children, they are his priority. Mas naging madali na natanggap ko na okay, he has children hindi siya naging struggle na from then on nung natanggap ko na 'yung mga bagay.
"And accept him for who he is, kung ano 'yung mga napagdaanan niya sa buhay. Tapos na 'yun, accept it and so you can move forward," dagdag ng Kapuso actress.
Matatandaan na ikinasal si Pauleen kay Vic Sotto noong January 30 nitong taon sa St. James The Great Parish Church sa Alabang, Muntinlupa City. Kababalik lang din nila sa kanilang honeymoon mula sa Maldives.
Diretsahan din sinagot ni Pauleen ang tanong ni Ms. Jessica kung papaano niya nabihag ang puso ng most elusive bachelor sa showbiz?
Aniya, "I really don't know how to answer that question. I've been asked, we've been asked so many times but nag-gel lang talaga 'yung personalities namin. I think, I was good for him, he was good for me with the guidance of the Lord dun kami napunta. But I cannot give you a specific answer."
MORE ON VIC AND PAULEEN SOTTO:
Mr. and Mrs. Sotto’s honeymoon in Maldives
Celebrity sightings at the Vic Sotto and Pauleen Luna wedding